
- Ipinahayag ang pagtaas sa quarterly dividend level sa $1.45 kada share mula sa $1.30, ang ika-14 na magkakasunod na taunang pagtaas sa quarterly dividend para sa KLA Corporation. Simula nang itatag noong 2006, pinalaki ng KLA Corporation ang antas ng quarterly dividend nang humigit-kumulang na 15% kada taon.
- Ipinahayag ang bagong $2 bilyong share repurchase authorization na karagdagan sa natitirang $1.6 bilyon sa orihinal na share repurchase authorization, na ginagawang kabuuang share repurchase authorization na humigit-kumulang $3.6 bilyon simula Agosto 31, 2023.
MILPITAS, Calif., Sept. 5, 2023 — Ipinahayag ng KLA Corporation ang pagtaas sa quarterly dividend level sa $1.45 kada share mula sa $1.30 kada share, ang ika-14 na magkakasunod na taunang pagtaas sa antas ng quarterly dividend para sa KLA Corporation. Ang pagdedeklara at pagbabayad ng mga darating na dividend ay nakasalalay sa pagpapasya ng Board at depende sa mga legal at pinansyal na pangangailangan at iba pang mga konsiderasyon. Ipinahayag din ng Kumpanya ang awtorisasyon mula sa Board of Directors upang mabili pabalik hanggang $2 bilyon ng karaniwang stock ng Kumpanya. Ito ay karagdagan sa umiiral na share repurchase authorization, na mayroong natitirang humigit-kumulang $1.6 bilyon simula Agosto 31, 2023.
Maaaring gawin ang mga pagbili pabalik gamit ang iba’t ibang pamamaraan, kabilang ang mga binuksan sa pamilihan, pribadong pinagkasunduang transaksyon, mabilisang share repurchase program, o iba pa, lahat alinsunod sa mga kinakailangan ng Securities and Exchange Commission at iba pang naaangkop na legal na kinakailangan. Ang partikular na oras, presyo at laki ng mga binibiling ito ay depende sa mga kasalukuyang presyo ng stock, pangkalahatang kalagayan ng ekonomiya at pamilihan, at iba pang mga konsiderasyon. Ang mga programa sa pagbili pabalik ay hindi nangangailangan na bilhin ng Kumpanya ang anumang partikular na halaga ng karaniwang stock nito, at maaaring suspindihin o itigil ang mga programa sa pagbili pabalik anumang oras sa pagpapasya ng Kumpanya.
“Konsistent ang anunsyo ngayon sa matagal nang kumpiyansa ng KLA sa aming modelo ng negosyo na nakatuon sa pagkakaiba ng produkto, libreng daloy ng pera, at matatag na paglalaan ng kapital. Ipinapakita rin nito ang optimismo sa aming mga estratehiya sa paglago at patuloy na progreso patungo sa aming mga pinansyal na target para sa 2026.” puna ni Rick Wallace, pangulo at CEO, KLA Corporation.
Tungkol sa KLA:
Nagdedebelop ang KLA Corporation (“KLA”) ng mga kagamitan at serbisyo na nangunguna sa industriya na nagpapahintulot ng inobasyon sa buong electronics industry. Nagbibigay kami ng advanced na pagkontrol ng proseso at mga solusyong nagpapagana ng proseso para sa paggawa ng mga wafer at reticle, integrated circuit, packaging, printed circuit board at flat panel display. Sa malapit na kolaborasyon sa mga nangungunang customer sa buong mundo, nililikha ng aming mga dalubhasang koponan ng mga pisiko, inhinyero, siyentipiko ng data, at problem solver ang mga solusyon na pumapagalaw sa mundo. Dapat tandaan ng mga investor at iba pa na ibinabahagi ng KLA ang mahalagang pinansyal na impormasyon kabilang ang mga filing sa SEC, press release, public earnings call at mga conference webcast gamit ang website para sa investor relations (http://ir.kla.com). Maaaring makita ang karagdagang impormasyon sa: www.kla.com (KLAC-F).
PINAGMULAN KLA Corporation