Nagbalik sa kanyang hometown si Ziaire Williams ng Memphis Grizzlies upang mag-host ng libreng klinika sa basketball para sa kabataan sa Lancaster, California
LANCASTER, Calif., Sept. 9, 2023 — Bumalik sa kanyang hometown ang forward na si Ziaire Williams ng Memphis Grizzlies*, sa suporta ng Herbalife – isang premier na kompanya sa kalusugan at kagalingan at komunidad – at ni Joe Abunassar – bantog na trainer, tagapagtatag ng IMPACT Basketball at presidente ng Herbalife IMPACT Basketball Center sa Las Vegas – upang mag-host ng libreng klinika sa basketball ngayong weekend para sa mga batang lalaki at babae edad 6 hanggang 18 sa Eastside High School sa Lancaster, California.
“Napakasaya na makabalik sa hometown at makapagbigay pabalik sa komunidad na nagpalaki sa akin,” wika ni Ziaire ng Memphis Grizzlies. “Nag-enjoy kami ng husto kasama ang mga bata at naglaan ng oras upang turuan sila ng mga bagay tungkol sa basketball, nutrisyon, buhay, at kahalagahan ng pagsisikap sa silid-aralan. Nagpapasalamat ako sa suporta ng Herbalife, ang kanilang dedikasyon sa pagsusulong ng malusog na pamumuhay at ang patuloy na kahalagahan ng IMPACT Basketball sa aking karera.”
Nagrerepresenta ang partnership sa pagitan nina Williams, Herbalife at IMPACT Basketball ng pagsisikap na magtulungan para sa kaunlaran ng komunidad at pagbibigay-lakas sa susunod na henerasyon ng mga atleta. Punung-puno ng mahahalagang pagtuturo sa basketball, mentorship at masayang aktibidad ang event, na nagbigay sa mga kalahok ng karanasang hindi malilimutan.
Sinabi ni Jennifer Guran, direktor ng Sports Marketing and Alliance para sa Herbalife, North America, “Nakakatanggap kami ng napakapositibong feedback kapag ibinabahagi namin ang aming partnership kay Ziaire at IMPACT Basketball sa mga lokal na komunidad dahil maibibigay namin ang nutrisyon, fitness at kinakailangang mga kasangkapan sa mga indibiduwal na maaaring walang access sa ganitong impormasyon o coaching. Gumawa nang kahanga-hangang trabaho sina Ziaire at ang kanyang pamilya sa pagsasama-sama ng neighborhood, at lubos na nagpasalamat ang lahat sa mga libreng klinikang ito.”
Sa klinika, nagtrabaho ang mga manlalaro sa pagganda ng kanilang cardio endurance at pag-develop ng kanilang indibiduwal na mga kasanayan sa basketball sa pamamagitan ng mga indibiduwal na aktibidad at drill habang natututunan ang mga pundasyon ng sport sa gabay ng mga karanasang coach mula sa IMPACT Basketball pati na rin ang mga coach mula sa komunidad ng Lancaster. Nagtrabaho ang mga bata sa mga kasanayan sa paghawak ng bola, pagtira at footwork at natutunan ang kahalagahan ng nutrisyon at pagbuo ng malusog na mga gawi.
“Tinuturuan ng mga klinikang isinasagawa namin sa mga lungsod sa buong Estados Unidos ang mga batang atleta kung ano ang kinakailangan upang maging mabuting kakampi, antas ng fitness na kinakailangan upang maging propesyonal at paano pahusayin ang pag-uusap tungkol sa nutrisyon sa murang edad,” sabi ni Joe Abunassar, tagapagtatag at CEO ng IMPACT Basketball. “Tunay na propesyonal si Ziaire at isang taong dapat tularan ng mga batang bata sa lahat ng aspeto.”
Ginagamit ng mga atletang sinusuportahan ng Herbalife ang mga produkto ng kompanya bago, habang at pagkatapos ng pagsasanay at mga laro. Bilang bahagi ng patuloy nitong pangako sa pagpapahusay ng sports nutrition at performance, noong 2013 inilunsad ng Herbalife ang linya ng mga produktong Herbalife24®, na ginagamit ng mga consumer sa lahat ng antas ng fitness.
Ipinagmamalaki ng Herbalife na sinusuportahan nito ang higit sa 190 na sporting event, koponan at atleta sa buong mundo, na nagpapakita ng pangako ng kompanya sa isang malusog, aktibong pamumuhay na sinusuportahan ng mabuting nutrisyon. Upang matuto pa tungkol sa mga atletang sinusuportahan ng Herbalife, bisitahin ang IAmHerbalifeNutrition.com/sponsored-athletes/.
*Hindi konektado o sinosuportahan ng Herbalife ang Memphis Grizzlies o ang National Basketball Association.
Tungkol sa Herbalife:Ang Herbalife ay isang premier na kompanya sa kalusugan at kagalingan at komunidad na nagbabago ng buhay ng mga tao sa pamamagitan ng mahuhusay na mga produktong pang-nutrisyon at oportunidad sa negosyo para sa kanyang mga Independent Distributor mula pa noong 1980. Inaalok ng kompanya ang mga produktong batay sa agham sa mga consumer sa higit sa 90 na merkado sa pamamagitan ng mga entrepreneurial na Distributor na nagbibigay ng one-on-one na coaching at suportadong komunidad na nag-iinspire sa kanilang mga customer na tanggapin ang isang mas malusog, mas aktibong pamumuhay upang mabuhay nang pinakamahusay ang kanilang buhay. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang IAmHerbalifeNutrition.com.
Tungkol sa IMPACT Basketball Center:Ang IMPACT Basketball ay ang premier na destinasyon sa buong mundo para sa mga manlalaro ng NBA, internasyonal na mga propesyonal, bituin sa kolehiyo, high school na mga manlalaro at mga propesyonal, kolehiyo at mga koponan sa high school sa buong mundo. Ang IMPACT ay tahanan para sa mga manlalaro sa bawat antas na naghahanap na pahusayin, paunlarin at baguhin ang kanilang mga sarili bilang mas mahuhusay na atleta, mas mahusay na manlalaro at mas versatile na kalaban habang pinaghahandaan nila ang mga pinakamataas na antas ng laro. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang ImpactBBall.com.
SOURCE Herbalife North America