Isang malaking bola ng apoy ang napansin sa langit ng Inglatera noong Lunes pagkatapos ng kidlat na tumama sa isang pasilidad ng pagrerecycle ng pagkain sa Oxfordshire.
Nagsimula ang sunog matapos tamaan ng kidlat ang isang tangke ng gas sa isang planta ng pagrerecycle ng basura sa pagkain.
Sinabi ng Severn Trent Green Power Plant sa Cassington, hilaga ng Oxford, sa Digital na tumama ang kidlat sa isang digester tank, na nagdulot sa isa sa mga tangke nito ng biogas na magliyab.
“Salamat sa Diyos walang nasaktan at nakikipagtulungan kami sa mga emergency services para matiyak na ligtas ang site para masuri namin ang pinsala sa lalong madaling panahon,” sabi ng kompanya.
Ipinahayag ng BBC News na maraming fire engines, mga sasakyan ng pulis at ambulansya ang tumugon sa planta, na nagpoproseso ng basura sa pagkain tungo sa biogas.
“Pinaniniwalaan na tumama ang kidlat sa mga container ng gas sa site na ito habang may masamang panahon ngayong gabi, na nagdulot ng malaking sunog,” sabi ng kagawaran ng pulisya ng Thames Valley sa social media.
Sinabi ni Jack Frowde, 34, na nagtatrabaho sa University of Oxford, sa balitaan: “Nakaupo ako sa aking kusina nang liwanagan ng matinding puting ilaw ang buong kwarto, sinundan ng isang malakas na dagundong na parang napakalakas na kulog.”
“Tumingin ako sa bintana ng kusina at para bang kumikislap na kahel ang langit,” dagdag niya. “Tumakbo ako sa likod para kunan ng larawan ang kahel na nawala pagkalipas ng humigit-kumulang 20 segundo.”