Nagsisimula ng pag-aresto ang Brazil sa imbestigasyon sa pag-monitor ng cellphone

Sinimulan ng pulisya sa Brazil ang paghahanap at pag-aresto ng dalawang tao Biyernes sa isang imbestigasyon na nakatuon sa mga kasapi ng ahensiya ng intelihensiya ng bansa na hinahinalang gumamit ng teknolohiyang spy para i-track ang mga cellphone nang walang awtorisasyong hudyisal, ayon sa pahayag ng Federal Police.

Iniulat ng mga midya sa Brazil na pinaghihinalaang ginamit ng mga tauhan ng Brazilian Intelligence Agency, na kilala sa Portuges na akronim na ABIN, ang software na GPS-based sa unang tatlong taon ng dating Pangulo na si Jair Bolsonaro upang bantayan ang mga cellphone ng kanyang mga kalaban, mamamahayag at mga mambabatas.

Unang ibinunyag ng pahayagang O Globo noong Marso tungkol sa pinaghihinalaang iligal na paggamit ng software na FirstMile na nilikha ng kompanyang Israeli na Cognyte. Hindi ibinunyag ng pahayagang O Globo ang pinagkukunan ng kanilang impormasyon. Tumanggi sa kahilingan ng komento ng Associated Press ang Federal Police Biyernes.

Nagsagawa ng 25 paghahanap at pag-aresto sa mga tao sa mga estado ng Sao Paulo, Santa Catarina, Parana at Goias, at sa Federal District kung saan matatagpuan ang kabisera ng Brazil na Brasilia.

Ang teknolohiyang pang-geolokasyon na ginamit ng ABIN ay “paulit-ulit na nag-imbento” sa network ng telepono ng Brazil, at ang intrusibong software ay “nabili gamit ang pampublikong pondo,” ayon sa pahayag ng Federal Police.

Binili ng ahensiya ng intelihensiya ang teknolohiya noong panahon ng pagkapangulo ni Michel Temer mula 2016 hanggang 2018 para sa 5.7 milyong reais ($1.1 milyon), ayon sa ulat ng Globo noong Marso.

Ibinunyag ng istasyong pangtelebisyon na Globo Biyernes na ginamit ng mga tauhan ng ABIN ang software ng pagtukoy ng lokasyon ng higit sa 30,000 beses, kung saan 1,800 ang nakatuon sa mga politiko, mamamahayag, abugado at mga kalaban ng gobyernong Bolsonaro.

Sinabi ng Federal Police na inaalam nila ang mga posibleng kasong paglabag sa kompyuter ng iba, organisadong krimen at pagtukoy ng komunikasyon nang walang awtorisasyong hudyisal o para sa mga layunin na hindi pinahihintulutan ng batas.