Sinabihan ng UN ang mga pamahalaan sa buong mundo na huwag ibalik ang mga nakatakas na mga refugee mula sa Hilagang Korea

Tinawag ng Mga Nagkakaisang Bansa ang mga pamahalaan sa buong mundo na huwag ibalik sa Hilagang Korea ang mga tumakas na refugee mula rito.

Ayon kay U.N. Deputy High Commissioner for Human Rights Nada al-Nashif noong Lunes, dapat hindi ipadala ng mga bansa-miyembro pabalik sa bansang hermitiko ang mga tumakas na Hilagang Koreano.

Sinabi niya ito sa isang pagpupulong kasama si South Korean Unification Ministry official Kang Jong-suk, ayon sa Yonhap News Agency.

Inakusahan ang China na nagpadala pabalik ng daan-daang tumakas na Hilagang Koreano sa nakalipas na ilang buwan.

Binigyang-babala ni Elizabeth Salmón, ang special rapporteur sa kalagayan ng karapatang pantao sa Democratic People’s Republic of Korea, na ang mga ibabalik sa Hilagang Korea pagkatapos tumakas “ay sasailalim sa pagpapahirap, walang-awang pagtrato at parusa at iba pang seryosong paglabag sa karapatang pantao(…) at kahit pagpatay,” ayon sa NK News.

Ilan sa mga refugee na sapilitang ibalik sa rehimeng estado ay nabuhay doon ng dekada.

Sinabi ni Ambassador Julie Turner, na sinumpa bilang U.S. special envoy for North Korean human rights issues nitong buwan, ang isyu noong Biyernes.

“Grabe ang aking pag-aalala sa mga kamakailang ulat at mapagkakatiwalaang impormasyon na ibinbalik ng PRC ang malaking bilang ng Hilagang Koreano, kabilang na noong nakaraang linggo pa,” aniya sa isang pagtitipon sa George Washington University’s Institute for Korean Studies.

Iniulat ng mga awtoridad sa Timog Korea nitong nakaraang buwan na nasagip malapit sa kanilang border ng dagat ang isang maliit at kahoy na bangka ng mga tumakas na Hilagang Koreano.

Ayon sa apat na refugee – isang lalaki at tatlong babae umano – mula sila sa parehong pamilya.

Iniulat ng Timog Korea na nagbigay sila ng pagtatahan para sa humigit-kumulang 30,000 sibilyang mamamayan ng Hilagang Korea na tumakas sa mapang-api nilang kalagayan sa ilalim ni supreme leader Kim Jong Un na rehimen.