Kinikilala ng USFDA ang Antrodia cinnamomea mycelia (NDIN No.1170)

Notipikasyon ng USFDA NDI ng Antromax “Antrodia cinnamomea mycelia”

Taipei – May dalawang daang taon na ang   kasaysayan ng pagkonsumo ng Antrodia cinnamomea ng mga katutubong tribo sa Taiwan, habang hindi pa ito gaanong kilala ng mga taga-Kanluran ang tungkol sa sangkap na ito. Ang pagkilala ng USFDA NDI nang walang pagtutol sa Greenyn’s Antromax ay ang unang notipikasyon matapos ang maraming mga pagtatangka sa nakaraang labing-apat na taon. Ikinararangal naming magtatag ng lunsaran ng A. cinnamomea sa mga merkadong pangkalusugan ng US na tinatayang sampung bilyong dolyar.

Ipinakita ni Dr. Kao Shung-te (gitna) ng China Medical University Hospital at Dr. Houng Jer-yiing (kaliwa) ng I-Shou University Medical School ang mga resulta ng pag-aaral ng na klinical at ang bioavailability ng Antromax sa magkakaibang mga klase ng dosages, respeto.

 Antromax®– dripping na tableta, mycelia na pulbos, emulsyon na pulbos (kaliwa pakanan).

Kinilala ng USFDA ang Antrodia cinnamomea bilang bagong mga sangkap pangkalusugan.

Noong Abril 12, nagdaos ang Greenyn Bionatechnology Corporation ay nagdaos ng isang seminar – “Ang internasyonal na pag-unlad ng Taiwan’s Antrodia cinnamomea at ang klinikal na aplikasyon nito,” at ipinahayag/inanunsyo dito ang pagkilala ng Antromax nang walang pagtutol ang USFDA NDI. Tagumpay ito para sa Greenyn, at tiyak na magpapalakas sa moral ng industriya ng Antrodia upang maglaan ng mas maraming resources sa merkado ng US.

Isang nakakain na fungus ang A. cinnamomea na tumutubo sa nanganganib na puno ng Cinnamomum kanehirae na matatagpuan lamang sa Taiwan. Kinaugalian nang gamitin ang fungus na ito sa para sa pagpapabuti ng mga karamdaman sa atay, hangover, pagkapagod, at pagpapalakas ng resistensya laban sa sakit. Ibinigay sa fungus na ito ang titulong ‘Ruby of Taiwan’.

“Sa pagkakataong ito, ikinagulat namin na nakuha namin ang notipikasyon ng USFDA NDI No. 1170 nang walang pagtutol para sa Antromax para sa merkado ng Estados Unidos.” ani ni Luo Hsuan, CEO ng Greenyn. Sa mga nakaraang taon, mahirap makuha ang naturang notipikasyon dahil ang A. cinnamomea ay hindi kilala sa kanlurang bahagi ng mundo; ang ’datos pang- kaligtasan nito, pagkain at kasaysayan ng aplikasyon ay napakalimitado. “Makasaysayan at makabuluhang pangyayari ito para sa amin na magkaroon ng pagkakataon na makapasok sa pandaigdigang merkado. Inaasahan din namin na ang industriya ng A. cinnamomea ng Taiwan ay mamayagpag sa pandaigdigang arena. ” Dagdag pa ni Luo Hsuan.

Ayon kay Dr. Hsu Pang-kuei, ang R&D director ng Geeenyn, bihira ang A. cinnamomea at napakabagal nitong lumago sa kagubatan. Para sa mga layuning medikal, kailangang maghintay ng tatlong taon hanggang sa ganap itong lumaki. Imposible ring dagdagan ang produksyon at magtanim o magpalago nito sa mga looban dahil protektado ang puno ng Cinnamomum kanehirae sa ilalim ng mga batas sa pag-iingat ng halaman. Sa kabutihang- palad, sa teknolohiya ng solid-state fermentation ng Greenyn, nagagawa nating linangin ang Antromax “A. cinnamomea mycelia” na may mga aktibong sangkap na katulad ng sa buong lumago sa loob lamang ng 3 buwan.  Hindi lamang mapanatili ang pangangalaga ng puno, ngunit mababawasan din ang gastos sa produksyon ng patentadong proseso ng fermentation upang mabili ng publiko ang natural at malusog na pagkain na ito sa isang makatwirang halaga.

Manufacturing site of Greenyn Biotechnology in Taichung
Pangkalusugan na pagkain ng Antromax® sa pangangalaga sa atay sa Taiwan (kaliwa) at Antromax® kumplikompletong inumin (kanan).

Napatunayan sa mga clinical trial na epektibo ang Antrodia cinnamomea bilang adjuvant treatment.

Sa seminar, ibinahagi ni Dr. Kao Shung-te mula sa China Medical University Hospital ang mga natuklasan hinggil sa Antromax sa clicinal adjuvant treatment para sa Hepatitis B. ” Sa pamamagitan ng mg medical trial, natuklasan na may adjuvant treatment na epekto ang Antromax na isinama sa Gamot para sa Hepatitis B. Bumuti ang mga index para sa function ng atay at hindi nagkaroon ng masamang epekto sa mga biokemikal na value sa dugo at ihi.”

Dagdag pa rito, ibinahagi rin ni DR. Houng Jer-ying, Kawaksing Dekano ng I-Shou University Medical School na ang bioavailability ng antromax sa iba’t ibang dosage form ay may magkakatulad na epektong adjuvant – pagpapapababa ng indexes ng function ng atay, pag-iipon ng taba sa atay at mga sakit sa atay na may kinalaman sa alkohol. Gayundin, higit nitong napapagana ang antioxidant enzymes

Itinatag ayon sa pandaigdigang pamantayan ang pasilidad ng Greenyn sa Central Taiwan Science Park na may kapasidad na aabot sa 12 metric tons/tonelada kada taon at sasapat sa pandaigdigang merkado. Ayon rin kay Dr. Hsu. “sa kasalukuyan, magpopokus kami sa merkado sa Estados Unidos at Europa at maaari naming isunod ang Asya gaya ng Koprea, mga bansa sa Timog Silangang Asya at Australia.” Sa harap ng merkado ng Estados Unidos para sa herbal supplements na nagkakahalaga ng USD 9.6 bilyon, ikinararangal ng Greenyn na pangunahan ang biotech industry ng Taiwan na ipakilala ang A. cinnamomea sa merkado sa Estados Unidos. Tinatanaw rin na isa itong karangalan para sa Taiwan ang ambag na mga benepisyong pangkalusugan ng A. cinnamimea sa mundo sa panhon ng Covid-19/pandemya.

Pakikipag-ugnay sa Media

Greenyn Biotechnology Co. Ltd.

Telepono: + 886-968-199-656

Makipag-ugnay sa: Nick Chen

Email: info@greenyn.com.tw

Website: http: //en.greenynbio.com/index.php