Magdaragdag ng imprastraktura ang Panama sa lugar ng kagubatan sa kahabaan ng pinagsasaluhang hangganan nito sa Colombia na kilala bilang Darien Gap — pati na rin pagtaas ng mga deportasyon — upang pangalagaan ang record-breaking na daloy ng mga migrante na dumadaan doon ngayong taon, sabi ng pinuno sa imigrasyon ng Panama nitong Biyernes.
Sinabi ni National Immigration Authority Director Samira Gozaine na inawtorisa ni Pangulong Laurentino Cortizo ang pagkuha ng mga charter flight upang madagdagan ang mga deportasyon. Humigit-kumulang 350,000 na migrante ang tumawid sa mapanganib na Darien Gap ngayong taon, lumampas sa record noong nakaraang taon na mas mababa sa 250,000, na record din.
“Madadagdagan namin ang mga deportasyong ito upang maramdaman ang kinakailangang epekto,” sabi ni Gozaine.
Sinabi ni Security Minister Juan Pino na sinubukan ng Panama na responsable ang pamamahala sa daloy ng mga migrante. “Kung hindi iyon ang kaso maraming migrante sa mga lansangan,” sabi niya. “Ngunit “nasa hangganan na kami ng kapasidad.”
Nagre-rehistro at kumukuha na ng biometric data ang mga awtoridad mula sa lahat ng migrante na umaalis ng Darien habang dumadating sila sa maliliit na komunidad sa Panama.
Sinabi ni Pino na plano ring paramihin ng mga awtoridad ang aerial patrol sa malayong lugar bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na hulihin ang mga smuggler ng mga migrante, droga at sandata.
Sinabi rin ng mga awtoridad na magtatayo ng mga pasilidad sa mga lugar sa hangganan kung saan ire-rehistro ang mga migrante ngunit hiwalay sa mga lokal na komunidad.
Walang agarang komento mula sa mga opisyal ng Colombia.
Hihigpitan din ng Panama ang mga kinakailangan para sa ilang mga dayuhang dumadating sa eroplano. Ibababa ng bansa ang maximum na pananatili ng turista sa 15 araw mula 90 at hihilingin sa mga bisita na ipakita na mayroon silang hindi bababa sa $1,000 na magagamit, sa halip na kasalukuyang $500. Sinabi ni Gozaine na hindi ito gagamitin sa lahat ng mga bansa.
Nagmula sa Venezuela ang higit sa kalahati ng mga migrante na pumapasok sa Panama sa pamamagitan ng Darien Gap ngayong taon. Hanggang ngayon, mas nakatutok ang Panama sa mabilis na paglipat sa mga migrante sa pamamagitan ng bus mula sa hangganan nito sa Colombia patungo sa hangganan nito sa Costa Rica upang maipagpatuloy nila ang paglalakbay patungong hilaga patungo sa Estados Unidos.
Noong Abril, sumang-ayon ang Estados Unidos, Panama at Colombia na subukang pigilan ang mga smuggling ring na nagdadala ng mga migrante sa gap.